Impormasyon sa background: Isang demanda na dulot ng offer letter
Binding document ba ang offer letter o hindi?
➡️ http://j.mp/SUBSCRIBE-to-EXPATRIGHTS-now
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Narito ang kuwento: Nagpaplano ang client naming palawakin ang negosyo matapos ang CNY. Nag-interview sila ng mga aplikante at nagpadala ng offer letter sa mga kwalipikado. Tinukoy sa mga liham ang lahat ng tuntunin tungkol sa posisyon, gaya ng sahod, probation, social security, at onboard date. Gayunman, matapos ang CNY, kinailangan nilang talikuran ang expansion plan dahil sa di-inaasahang dahilan at ‘bawiin’ ang mga offer letter. Tinawagan nila ako at nagtanong: Maaari ba nila iyon?
Ano ang sinasabi ng batas tungkol sa offer letter?
Walang malinaw na specification sa labor law tungkol sa nature at validity ng offer letter. Ngunit ayon sa Contract Law ng PRC, isang ‘offer’ ang offer letter na may specific term; maaari lamang bawiin ang gayong offer bago magpadala ang applicant ng confirmation sa pagtanggap niya rito. Kung hindi, binding sa dalawang party ang offer letter.
Kaya bagaman walang tinutukoy na partikular ang labor law, kailangan pa ring mag-ingat ang employer sa offer letter.
Mag-ingat sa offer letter, may bisa itong nagbubuklod!
Narito ang mga tip:
1. Huwag mag-isyu ng offer letter hanggang makagawa ka ng pinal na pasya.
Maaari lamang magbigay ang mga employer ng offer letter matapos magpasiyang kunin ang empleyado, at hindi nila maaaring baguhin nang sila lamang ang nilalaman nito kapag naipadala na.
2. Sikaping panatilihin ang ilang inisyatiba
Maaaring tukuyin ng employer sa offer letter ang ilang sitwasyon kung kailan maaari nitong piliing huwag kunin ang applicant; o magtakda ng deadline upang kumpirmahin ng applicant ang acceptance sa offer. Kung hindi makapagbigay ng confirmation bago ang deadline, maaaring kanselahin ng employer ang offer at humanap ng iba.
3. Humingi ng medical examination report bago magpadala ng offer letter
Ganito ang recruitment routine ng ilang employer: nagpapadala sila ng offer letter at hinihinging mag-medical examination ang aplikante, pagkatapos ay dalhin sa onboarding day ang report kasama ng iba pang papeles gaya ng graduation certificate.
Gayunman, sa palagay namin ay mas mabuting hilingin sa aplikante na ipakita ang medical examination report bago magpadala ng offer letter. Sa ganitong paraan, makagagawa ang employer ng huling pasiya batay sa resulta kung kukunin ang aplikante at maiiwasan ang labor dispute dahil sa claim o hinala ng employment discrimination.
4. Hindi kontrata sa paggawa ang offer letter
Ipinahihiwatig lamang ng offer letter ang hangarin ng employer na kunin ang aplikante at hindi ito opisyal na kontrata. Dapat lumagda ang employer sa isang kontrata sa paggawa kasama ang empleyado sa loob ng isang buwan mula sa petsa ng pagsisimula nito, at tukuyin na:
1) mananaig ang kontrata sa paggawa sa anumang kasunduan ng dalawang panig; o
2) kung may salungatan sa kontrata sa paggawa at offer letter, mananaig ang mga tuntunin ng kontrata sa paggawa.
Source: Sophie Mao mula CHinaLawHelp.com
