
Enero 13
Panukala para sa Lahat ng Dayuhan at Kanilang Employer sa Hangzhou
Liham ng panawagan sa mga employer ng mga dayuhan at mga dayuhang empleyado sa buong lungsod
Para sa: Lahat ng Foreign National at Kanilang Employer sa Hangzhou
Bilang tugon sa panawagan at pagkilos ng local at central authority ng China, narito ang kusang proposal para sa kalusugan ng mga dayuhan at maayos na business performance ng kanilang employer sa Hangzhou sa kasalukuyang mahirap na panahon ng COVID-19 control and prevention, habang patuloy na tumataas ang mga kaso sa mundo at lumilitaw ang bagong domestic case sa ilang bahagi ng China.
I.Mas pinipiling manatili sa Hangzhou para sa darating na holiday. Hinihiling namin sa lahat ng employer ng mga dayuhan dito na hikayatin silang manatili sa Hangzhou sa darating na Spring Festival. Lubhang iminumungkahing ipagbawal sa panahong ito ang paulit-ulit na biyahe sa pagitan ng dalawang rehiyon at kanselahin ang planong paglalakbay palabas ng Hangzhou o China maliban kung lubhang kailangan, o magsagawa ng preventive measure bago ang anumang kinakailangang paglalakbay sa ibang lugar.
II. Dapat magbigay ng pangangalaga at serbisyo sa mga dayuhan para sa ligtas at kaaya-ayang pamumuhay. Dapat igalang at wastong panatilihin ang mga karapatan at interes ng mga dayuhang nananatili sa Hangzhou. Kaya iminumungkahi sa mga employer, bilang pagsasaalang-alang sa pagkakaiba ng kultura at malayong nilakbay ng mga dayuhang empleyado upang magtrabaho malayo sa sariling bayan, na ibigay ang lahat ng kinakailangang serbisyo, kabilang ang mga gamit sa pag-iwas sa COVID-19, para sa ligtas at kaaya-ayang pamumuhay dito habang nararanasan at tinatamasa ang Chinese New Year.
III. Dapat sundin ang mga tuntunin at regulasyon sa pandemic control. Kailangang akuin ng mga kaugnay na employer ang pananagutang sundin ang mga tuntunin at regulasyong inanunsiyo ng mga awtoridad sa lungsod at lalawigan tungkol sa pag-iwas at pagkontrol sa COVID-19, pati paghahanda ng emergency plan para sa event at gathering, dinner party, personal na biyahe, health protection, at information dissemination. Kailangang magsagawa ng mahigpit na preventive at control measure laban sa pandemic para sa mga empleyadong bumabalik sa Hangzhou matapos ang Spring Festival holiday.
Sa mahal naming mga foreign national, lubos kaming nagpapasalamat sa matagal na ninyong contribution sa economic at social progress namin, at kumbinsido kaming sa sama-samang pagsisikap ng lahat ng party ay magtatagumpay tayo sa COVID-19 pandemic.
“Ang lugar na matagal mong tinitirhan ay maaari ring maging isang matamis na bayan.” Sa pagkakataong ibinibigay ng panukalang ito, nais naming ipaabot ang pinakamabuting hangarin sa lahat ng dayuhang naninirahan at nagtatrabaho sa aming lungsod. Nawa’y manatili kayong ligtas at masaya.
Hangzhou Municipal Science and Technology Bureau
Hangzhou Bureau of Foreign Experts Affairs
Enero 9, 2021

Upang basahin ito sa ibang wika, pakibasa ang original article:
https://mp.weixin.qq.com/s/qLFgYaUugCKjzZ6MhHEHiA
Source: Makabagong Hangzhou
Gustong magbahagi ng opinyon?
Mag-iwan ng komentosa ibaba!




Para sa LEGAL payo, ADVERTISING mga tanong,
o pagsali MGA GROUP CHAT:
WeChat - kele781194025

SUBAYBAYAN KAMI


Pindutin nang matagal ang alinman sa mga QR Code upang sumubaybay


YouTube️: ExpatRights
Bisitahin: ExpatRights.org
Douyin️: BaiPig
Facebook️: ExpatRightsChina
Unang inilathala sa opisyal na WeChat account (ExpatRights):
