Kapaki-pakinabang na Link:
http://www.gov.cn/zhengce/zhengceku/2020-01/27/content_5472508.htm
Mag-subscribe sa ExpatRights
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Paunawa mula sa Ministry of Human Resources and Social Security tungkol sa Pagpapahusay ng Pangangasiwa sa mga Usapin sa Ugnayan sa Paggawa sa Panahon ng Pagprotekta at Pagkontrol sa Pneumonia mula sa Impeksiyon ng Novel Coronavirus:
Artikulo 2:
Kapag nakararanas ang enterprise ng production at business difficulty dahil sa epidemic, maaari itong kumonsulta sa employees upang magkasundo sa adjustment ng salary, work rotation, reduction ng work hour, at ibang paraan upang panatilihin ang position at iwasan o bawasan ang layoff. Maaaring tumanggap ng subsidy ang eligible enterprise para sa pagpapanatili ng position alinsunod sa regulation. Kapag huminto ang production sa loob ng pay period, dapat magbayad ang enterprise ng salary gaya ng nasa labor contract. Kung mas mahaba sa pay period at nagbibigay ng normal labor ang employees, hindi dapat mas mababa sa local minimum wage standard ang salary. Kung hindi nagbibigay ng regular labor ang professional, mag-iisyu ang enterprise ng living allowance sa standard na itinakda ng measure ng province, autonomous region, at directly governed municipality.
Regulation on Labour Security Supervision
Artikulo 13
Ang labor security supervision sa isang employing entity ay sasailalim sa jurisdiction ng labor security administration sa county level o sa antas ng lungsod na nahahati sa mga distrito sa lokalidad kung saan nang-empleyo ang entity.
Artikulo 26:
Kapag gumawa ang employing entity ng alinman sa mga sumusunod, uutusan ito ng labor-security administration na bayaran sa loob ng time limit ang wage at remuneration sa laborer, pati ang difference ng lowest local wage at wage ng laborer kung mas mababa ang sahod sa lowest rate, o economic compensation para sa rescission ng labor contract. Kung hindi mabayaran ng entity ang amount sa time limit, uutusan itong magbayad ng additional compensation sa laborer na hindi bababa sa 50% ngunit hindi hihigit sa isang beses ng payable amount:
(1) Pagbabawas sa sahod at bayad ng mga manggagawa, o pagpapaliban nito nang walang dahilan;
(2) Pagbabayad sa mga manggagawa ng sahod na mas mababa sa pinakamababang lokal na sahod; o
(3) Hindi pagbabayad sa mga manggagawa ng economic compensation alinsunod sa batas matapos wakasan ang mga kontrata sa paggawa.
Labor Contract Law:
Artikulo 30:
Dapat bayaran ng employer ang buong halaga ng sahod ng mga manggagawa nito sa takdang panahon alinsunod sa mga itinakda sa kontrata at mga probisyon ng estado. Kung ipagpapaliban o hindi babayaran ng employer ang buong sahod, maaaring humiling ang manggagawa sa lokal na hukuman ng bayan ng isang payment order, at dapat itong ilabas ng hukuman alinsunod sa batas.
Artikulo 38:
Sa alinman sa mga sumusunod na kalagayan ng employer, maaaring wakasan ng mga worker ang labor contract:
(1) Hindi ito nagbibigay ng proteksiyon sa paggawa o mga kondisyon sa trabaho na itinakda sa kontrata sa paggawa;
(2) Hindi nito binabayaran nang buo at nasa oras ang mga bayad;
(3) Hindi nito binabayaran alinsunod sa batas ang mga hulog sa social security ng mga manggagawa;
(4) Salungat sa anumang batas o regulasyon ang mga bylaws nito at pinipinsala ng mga ito ang mga karapatan at interes ng mga manggagawa;
(5) Walang bisa ang kontrata sa paggawa dahil sa kalagayang tinutukoy sa unang talata ng Article 26 ng Batas na ito; o
(6) Anumang iba pang kalagayang itinakda ng batas o administratibong regulasyon kung saan maaaring wakasan ang kontrata sa paggawa.
Kapag sapilitang pinagtatrabaho ang worker sa pamamagitan ng violence, threat, o illegal limitation sa personal freedom, o pinipilit gumawa ng dangerous operation na maaaring maglagay sa personal safety sa panganib sa ilalim ng illicit command o force ng employer, maaaring agad i-discharge ng worker ang labor contract nang hindi inaabisuhan muna ang employer.
Labour Dispute Mediation and Arbitration Law of the People's Republic of China:
Artikulo 4:
Kapag may labor dispute, maaaring kumonsulta ang empleyado sa employer o hilingin sa trade union o third party na sabay na kumonsulta sa employer upang maabot ang settlement agreement.
Magbasa pa rito:
https://mp.weixin.qq.com/s/6bz2pv0y-V_E-2Nl8J7ddA
