Ang Bagong Foreign Investment Law: Opportunity ba o Hindi?
Pinagtibay ang bagong Foreign Investment Law ng China noong Marso 15, 2019 sa ika-13 National People's Congress. Maaaring malaki ang epekto ng bagong batas sa mga dayuhang negosyong nagpapatakbo sa China ngunit hindi pa malinaw sa yugtong ito. Kaya ano ang kasalukuyang nalalaman tungkol sa bagong batas?
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Magkakabisa ang bagong batas sa Enero 1, 2020 at papalitan ang tatlong hiwalay na batas:
1. Chinese-Foreign Equity Joint Ventures Law.
2. Wholly Foreign-Owned Enterprises (WFOE) Law.
3. Chinese-Foreign Contractual Joint Ventures Law.
Maaaring panatilihin ng mga foreign-invested enterprise (FIE) na itinatag alinsunod sa mga mas lumang batas ang kanilang orihinal na corporate organizational structure nang limang taon matapos ipatupad ang bagong batas, sa transitional period na hanggang Disyembre 31, 2024. Tungkulin ngayon ng State Council ng China, ang executive branch ng central government, na bumuo at magpatupad ng mga regulation upang maisagawa ang guiding principle ng batas.
Binubuo ang text ng anim na chapter na may kabuuang 42 article at pinasimple mula sa mas mahabang bersiyon ng legislation na unang inanunsiyo ng pamahalaan noong 2015, kung saan tinalakay at inaprubahan ang final draft sa loob lamang ng tatlong buwan.
Muling pinagtitibay ng batas ang sentral na patakaran ng estado ng China sa pagbubukas, paghikayat sa dayuhang pamumuhunan sa mainland China, at pangakong bumuo ng market environment na matatag, transparent, predictable, at may patas na kompetisyon.
Sinasabi nitong hindi magiging mas hindi paborable ang trato ng China sa foreign investment kaysa domestic investment, maliban sa protected industry na tinukoy ng ‘Negative List’—yaong ipinagbabawal sa foreign investor.
Ilalapat nito ang mga prinsipyong ito sa pagbuo at paggamit ng compulsory standard, sa paghawak ng government-procurement tender, at kokonsulta rin sa mga FIE kapag nagpapasiya sa mga tuntuning nauugnay sa foreign investment.
Ipinagbabawal din ng bagong batas ang sapilitang technology transfer sa pamamagitan ng administrative measure, gaya ng pagbabawal sa mga empleyado ng estado na ibunyag ang trade secret ng mga dayuhang investor na nalaman nila sa pagsasagawa ng tungkulin, at pag-aatas na tuparin nila ang kontrata sa mga dayuhang investor. Kung kailangan ng public interest na baguhin ng mga empleyadong iyon ang contractual term sa mga dayuhang investor o enterprise, dapat silang magbigay ng compensation para sa anumang resultang loss at pahintulutan ding magsampa ng complaint laban sa administrative agency at mga empleyado nito sa pamamagitan ng working mechanism.
Dahil dito, maaaring pinabilis ang batas upang tugunan ang tatlong pangunahing puna ng pamahalaan ng US tungkol sa kapaligiran ng negosyo sa China:
1. Pagnanakaw ng intellectual property at sapilitang technology transfer.
2. Presyur sa mga dayuhang negosyo upang makipagsosyo sa mga kumpanyang Tsino sa ilang sektor.
3. State subsidy na ibinibigay sa mga kumpanyang Tsino.
Bagaman mukhang direktang tinutugunan ng bagong batas ang mga concern na iyon, nananatiling maingat ang maraming China watcher dahil walang detail ang text kung paano ipatutupad ang provision. Higit pa rito, pinahihintulutan din ng batas ang government expropriation ng foreign asset sa ‘special circumstance’ at kapag ‘para sa public interest.’
Samakatuwid, bagaman ipinahihiwatig ng bagong batas ang layunin ng pamahalaan ng China na gawing patas ang larangan para sa foreign investment sa bansa, kailangang hintayin ng mga kumpanya at investor ang implementing regulation bago malaman kung paano maaapektuhan ang negosyo nila.
Kahit mailathala na ang mga regulation, malaking pagsubok sa mga patakaran para sa proteksiyon ng foreign investment ang sigla ng pagpapatupad, at maaaring matagalan bago ito malaman. Maaaring mabigyan ng bagong batas ang mga dayuhang kompanya at entrepreneur sa China ng pag-asang bubuti ang commercial environment sa malapit na hinaharap.
Gayunman, hanggang maisakatuparan ang mga pag-asang iyon, mananatiling pinakamabisang paraan ang patience, long-term planning, at paggamit ng professional management solution upang malampasan ng mga kumpanya ang challenge sa Chinese market.
Source: PTL Group
https://www.patreon.com/ExpatRights
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
ExpatRights.org
