post

GUSTO KO NG CHINESE ID CARD!

GUSTO KO NG CHINESE ID CARD!
ORIHINAL NA MULA SA: http://www.globaltimes.cn/content/1101047.shtml

Gusto ko ang katumbas na Chinese ID

GUSTO KO NG CHINESE ID CARD!

Tila isang paraiso ng plastic card ang China. Bago ako tumira rito, sa palagay ko hindi ako kailanman nagkaroon ng mahigit tatlong plastic card: ATM card, credit card, at driver's license. Ngayon, mayroon akong tatlong ATM card, dalawang gas card, electricity card, subway/bus card, work ID, at dalawang misteryosong card na inilabas ng pamahalaan. Nasa akin pa rin ang tatlong card bago ako dumating, kaya mayroon na akong hindi bababa sa 13. Maaaring may nalimutan pa akong dalawa.

GUSTO KO NG CHINESE ID CARD!

Lumalabas na isa sa government-issued card ay para sa social security at ang isa ay Foreigner's Work Permit ko.

Nang makuha ko ang bago at makintab na work-permit card, tiniyak ng employer na multifunction miracle iyon at ‘eksaktong kapareho’ ng ID card ng Chinese citizen. Agad kong sinubukang gamitin iyon papuntang Tianjin at nakarating sa ticket window ng Beijing South Railway Station. Gusto kong bumili ng ticket sa machine gaya ng Chinese citizen, ngunit siyempre ay nabigo. Walang ideya ang kaakit-akit namang babae sa likod ng glass kung para saan ang card ko.

Nang makarating ako sa Tianjin kinabukasan, napatunayang walang silbi iyon sa pag-check in sa hotel, at nang mag-register ako ay walang interes dito ang local police.

Na nagdadala sa punto ng maliit na fulmination na ito: sa kabila ng pagkakaroon ng higit na plastic kaysa magagamit ko, naghahangad pa rin ako ng higit.

Ang talagang gusto ko ay ID card na eksaktong kapareho ng sa Chinese citizen.

Sadyang kabaliwan ang laging pagdadala ng passport. Dati akong may dalang photocopy, ngunit nagkaproblema rito ang ilang kaibigan, at kapag mahigpit ang seguridad, kailangan ding dalhin ang housing registration.

Napakamahal na dokumento ang pasaporte. Mahigit $300 ang halaga ng akin. Nagdudulot ng napakalaking hirap ang pagkawala ng pasaporte, hindi lang sa visa kundi sa iba pang paraan. Tanga lamang ang magdadala nito saanman!

Ngunit hindi lamang ito tungkol sa mga panganib, abala, at gastos. Kapag pumupunta ako sa bangko, sumasakay ng tren, o sumusubok mag-sign up online, gusto kong tratuhin nang kapantay ng lahat. Gusto kong maging pinakamadali hangga't maaari para sa receptionist o teller na asikasuhin ang kailangan ko.

Sapat nang mahirap para sa kanilang harapin ang language issue ko nang hindi kailangang asikasuhin ang kakaibang dokumento. Nakapapagod ang pagiging ‘weird.’

GUSTO KO NG CHINESE ID CARD!
GUSTO KO NG CHINESE ID CARD!
 

EXPAT AKO AT TUMATANGGAP AKO NG SUHOL

GUSTO KO NG CHINESE ID CARD!
 

Bakit pinakamahusay na partner ang mga Chinese man

ORIHINAL NA MULA SA: http://www.globaltimes.cn/content/1101047.shtml