
Dalawang araw na ang nakalipas, may nakipag-ugnayan sa Expat Rights tungkol sa isang contract dispute sa kaniyang paaralan.

"Gusto kong magtanong tungkol sa nangyari sa kaibigan ko. Hanggang ngayon ay sinusubukan naming malaman kung paano niya mababawi ang perang pinaghirapan niya mula sa isang kumpanya rito sa China. Kumukuha ang kumpanyang ito ng mga English teacher. Hindi nila binayaran ang sahod niya para Mayo at flight reimbursement.
"Sinabi ng owner ng kumpanya/ahensiya na ayos lang tapusin nang mas maaga ang kontrata dahil hindi nila mabibigyan ng trabaho ang asawa niyang lalaki upang makumpleto ang kontrata nito. Kaya nagpasya ang mag-asawa na umalis na lamang sa kumpanya. Ngayon ay itinatanggi ng ahensiya ang lahat ng napagkasunduan nila. Hindi ibinibigay ang sahod ng asawa niyang babae. At hindi natanggap ng asawa niyang lalaki ang bayad na dapat niyang makuha bilang bonus.
"Ang problema, kinuha nila siya gamit ang dependent visa at nangakong bibigyan ng work visa, na kalaunan ay hindi natupad."
Akala namin ay matutulungan namin sila hanggang makita ang huling linya - "Ilegal" na nagtatrabaho ang guro. Kung legal siya, maaari niyang kontakin ang Safea at magsimula ng proseso ng hindi pagkakaunawaan sa "tulong" ng pamahalaan. Pero dahil "ilegal" siya... lagot na siya.

Kaya anong opsiyon ang mayroon ang ‘ilegal’ na guro kapag nagpasya ang paaralang hindi magbayad? Kinontak pa rin namin ang SAFEA at hindi sila makatulong. Sinabi nilang kontakin ang 劳务局 (Labor Bureau). Kinontak namin sila ngunit dahil wala kaming impormasyon ng paaralan, tumanggi silang sumagot ng dagdag na tanong.
Sa totoo lang, wala kaming nakikitang posibleng resultang mabuti para sa ‘ilegal’ na dayuhang guro. Kung nais nilang tumestigo, tiyak na parurusahan sila, pagbabawalang pumasok sa China, at iba pa.
"Alam naming hindi dapat nagtatrabaho ang may dependent visa, pero pinagtatrabaho siya ng kumpanya at pinangakuan ng work visa."

At ang aming makatwirang hula ay walang mangyayari sa paaralan. Tiyak ding ayaw naming lumikha ng "mapanlabang" kapaligiran sa China kung saan matatakot ang mga paaralan na "ilegal" na kumuha ng mga dayuhan. Ngunit kapag ginago ng isang paaralan ang mga "ilegal" nitong empleyado, mapaparusahan ba ang paaralan dahil sa sumbong namin sa labor bureau? Subaybayan dito sa Expat Rights!!!
Mag-iwan ng komento sa ibaba kung may higit kang impormasyon o mungkahi.

Narito kami upang ipaglaban ang LAHAT NG EXPATRIATE!!

Walang pakialam sa iyo ang consulate mo. May pakialam kami.
Magpadala sa amin ng mensahe sa opisyal na account na ito kung mayroon kang problema.
P.S. Mga ‘legal’ na guro, hindi kami interesadong marinig kayong laitin ang ibang expat dahil ‘ilegal’ silang nagtatrabaho.
magbasa pa:

✊ Suportahan ang MGA KARAPATAN NG EXPAT,ibahagi ang QR namin✊
? lahat ng artikulo
Unang inilathala sa opisyal na WeChat account: ExpatRights


