post

KINUHA NG PULIS ANG PHONE KO, TULONG!

Kamakailan ay kinontak ang #ExpatRights para sa aming libreng Legal na Tulong ng isang Expat na may Problema!

Mahal na ExpatRights,

Humigit-kumulang isang buwan ang nakaraan, idinagdag ako sa WeChat group na "Muslims in China." Noong Huwebes, dumating ang pulisya sa trabaho ko at dinala ako para tanungin. Lubos akong nakipagtulungan at sigurado akong alam nilang inosente ako. Kinuha nila ang lahat ng electronic device at bank statement ko upang magsagawa ng higit pang check, at doon naroon ang tunay kong problema.


Hindi ako bahagya man lang nag-aalala na makakita sila ng pagkakasangkot ko sa anumang criminal religious organization. Isandaang porsiyento akong inosente at wala silang matatagpuan.


Gayunman, ngayong mayroon silang access sa financial situation ko, bibigyan ba nila ng pansin ang perang pumapasok mula sa mga part-time job ko?
Kung nais nilang i-claim na mula sa part-time job ang sobrang halaga, ano ang pinakamahusay na sagot?


Nakipag-ugnayan kami kay Richard Cao, isang abogado sa Nanjing na bukal na nag-donate ng oras niya!

Mahal na Expat Rights:

Oo, posibleng ang part-time ang tunay na problema.

Upang legal na makapagtrabaho sa China, may dalawang pangunahing direksiyon,

1. Pagkuha ng kaukulang visa mula sa public security bureau ng exit and entry administration;

2. Pagkuha ng pahintulot mula sa educational institution at pag-apply sa public security bureau ng exit and entry administration habang nananatili ang tao sa China para mag-aral gamit ang kaukulang visa.

 

Sa kaso ng ilegal na pagtatrabaho sa China, depende sa tindi ng ilegal na gawa, maaaring bigyan ang tao ng:

1. Multang hanggang RMB 1,000 at/o utos na umalis sa China sa itinakdang panahon;

2. Multang RMB 5,000 hanggang 20,000 at/o 5 hanggang 15 araw na detention at/o repatriation; hindi pahihintulutang pumasok sa China ang na-repatriate sa loob ng isa hanggang limang taon mula sa petsa ng repatriation.

 

Dahil napakalimitado ng information sa case detail, hindi namin ma-analyze nang detalyado ang possible outcome. Gayunman, mahigpit naming inirerekomenda sa mga expatriate sa China na sundin ang laws at regulations. Masamang ideya ang magbigay ng maling impormasyon, na maaaring maging aggravating circumstance kapag naimbestigahan at natuklasan ang katotohanan.


Lubos na gumagalang,

Richard (Chunwu) Cao—Abogado

"Marami akong kliyenteng hindi nagsasalita ng Tsino at nagrereklamong mahirap humanap ng abogadong nagsasalita ng Ingles. Hindi nila nauunawaan ang batas ng China at naniniwala akong doon kami makatutulong."


PAYO NAMIN: MAKINIG KAY RICHARD! MANAHIMIK KA! Malamang ay mga ‘teroristang’ aktibidad lamang ang interesado sila!

KUNG MAY ANUMANG LEGAL NA PROBLEMA O TANONG KA AT GUSTO NG LIBRENG TULONG, NARITO KAMI PARA SA IYO! 

MAG-EMAIL SA AMIN: [email protected] 

O DIREKTANG MAG-MENSAHE SA ACCOUNT NA ITO

Unang inilathala sa opisyal na WeChat account: ExpatRights