“Anim-na-Taong Tuntunin” para sa Tax Residency ng mga Dayuhan
Panimula
Noong Marso 16, 2019, inilathala ng Ministry of Finance at State Taxation Administration ng China ang Announcement on the Criteria for Determining the Residence Time of Individuals without Domicile in China. Ipinaliliwanag ng anunsiyo kung paano kakalkulahin ang tax residency sa China ng mga dayuhan, kabilang ang mga residente ng Hong Kong, Macau, at Taiwan para sa layunin ng buwis.
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
ExpatRights.org
Background
Noong Agosto 31, 2018, ipinasa ng China ang ikalawang draft ng Individual Income Tax Law, o ‘IIT law,’ na nagbago sa mga pamantayan sa pagtukoy ng resident taxpayer at non-resident taxpayer.
Noong Disyembre 18, 2018, ipinasa ng China ang Implementation Regulations ng Individual Income Tax Law (Order Blg. 707). Gaya ng ipinakilala namin sa artikulo noong Enero 22, binago ng Order Blg. 707 ang panahon sa pagtukoy ng tax residency ng mga dayuhan mula sa ‘five-year rule’ tungo sa ‘six-year rule.’
Ganap na nagkabisa mula Enero 1, 2019 ang IIT Law at Order Blg. 707. Kasunod nito, magkasamang inilathala ng Ministry of Finance at State Taxation Administration ng China ang Announcement [2019] Blg. 34 upang higit na linawin kung paano ipatutupad ang ‘six-year rule,’ kabilang ang start date ng pagkalkula at calculation standard para sa mga araw ng residence.
Ano ang ‘Six-Year Rule’?
Ang dayuhang walang domicile ngunit nanirahan sa China nang pinagsama-samang 183 araw sa isang tax year ay ituturing na tax resident sa China. Kung may tax resident status siya nang 6 na magkakasunod na taon, papatawan ng individual income tax sa China ang kita niyang mula sa loob at labas ng bansa.
Gayunman, kung sa alinman sa nakaraang anim na taon ay wala pang 183 araw ang naipong paninirahan ng dayuhan sa China, o kung minsan siyang umalis sa mainland China nang mahigit 30 magkakasunod na araw sa loob ng anim na taon, hindi papatawan ng individual income tax ang kaniyang income mula sa ibang bansa.
Kailan nagsisimula ang six-year calculation?
2019 ang simula ng pagkalkula sa anim na taon. Hindi isasaalang-alang ang residence sa mga taon bago ang 2019. Kaya hindi maituturing na nakatutugon sa ‘6-year rule’ ang non-domiciled foreign individual hanggang sa hindi bababa sa 2024. Inalis na ang dating ‘5-year rule’ at hindi ito naaangkop sa panahon mula 2019 hanggang 2024. Sa madaling salita, exempted sa individual income tax hanggang 2024 ang lahat ng overseas-source income ng non-domiciled foreign individual.
Gaya ng ipinaliwanag sa itaas, tandaan na kung may kahit isang pag-alis sa Mainland China nang mahigit 30 magkakasunod na araw sa alinmang taon simula 2019, ibabalik sa sero ang pagkalkula ng nakaraang magkakasunod na taon at magsisimula itong muli sa susunod na taon ng buwis.
Paano kalkulahin ang mga araw ng paninirahan sa China?
Ituturing na isang araw ng paninirahan ang isang araw na pananatili sa China kung tumagal ito ng 24 na oras. Hindi ibibilang sa kabuuang araw ng paninirahan ang mas maikli sa 24 na oras.
Halimbawa, kung ang dayuhang walang domicile na nakatira sa Hong Kong ay pumupunta sa Shenzhen tuwing Lunes ng umaga upang magtrabaho at bumabalik sa Hong Kong tuwing Biyernes ng gabi, hindi bibilangin ang Lunes at Biyernes bilang araw ng paninirahan sa China dahil wala pang 24 oras ang pananatili. Kaya tatlong araw lamang bawat linggo ang mabibilang. Sa 52 linggo, magiging 156 araw ang kabuuang paninirahan sa buong taon, mas mababa sa 183 araw. Hindi ituturing na resident individual ang dayuhan at hindi papatawan ng individual income tax ang kaniyang income mula sa ibang bansa.
Source: https://www.china-briefing.com/news/tax-residency-china-six-year-rule-clarified/
