Hair Police sa High School ng Japan: Asahi tungkol sa ‘Survey: Hinihingi ng 57% ng mga Tokyo HS ang patunay ng kulay ng buhok.’ Hanggang ngayon.
Sa USA, maaaring kabilang sa dress-code violation ang offensive na T-shirt o mini skirt. Sa Japan, maaaring mapahamak ka dahil sa kinulayang buhok.
Ayon sa bagong survey ng Tokyo news outlet na The Asahi Shimbun, hinihingi ng 57% ng public high school sa lungsod na patunayan ng estudyante na natural ang kulay ng buhok.

Dinisenyo ang hakbang upang panatilihin ang mahihigpit na Japanese standard sa pisikal na anyo: Bukod sa pagbabawal sa mga estudyanteng magpa-perm o magkulay ng buhok, hinihingi ng maraming paaralan sa Japan ang malinis at kagalang-galang na pananamit at hindi pinahihintulutan ang sobrang haba o magulong buhok.
Ayon sa Asahi Shimbun, may ganitong policy ang 98 sa 170 paaralang sinurvey. Mula ilan hanggang ilang dosena ang mga batang pinagpatunay sa pinakahuling school year na tunay ang kulay ng buhok.
"Iginigiit ng ilang estudyante na natural ang kanilang buhok kahit kinulayan iyon," sabi ng isang guro sa Asahi Shimbun. "Hinihiling naming kumpirmahin ng kanilang mga magulang ang mga pahayag na ito bilang pananagutan nila."

Hindi gaya ng US, medyo homogeneous ang population ng Japan. Dahil dito, madalas na mataas ang pagpapahalaga ng culture sa uniformity—kahit bahagyang deviation sa norm ay namumukod at nagdudulot ng criticism sa mas conservative na circle.
Ayon kay Natsuko Fujimaki, isang entrepreneur na nakabase sa Tokyo, dito pumapasok ang konseptong Japanese na majime. Tumutukoy ang termino sa pagkiling sa kaayusan, kalinisan, at madalas ay perfectionism. Malapit itong nauugnay sa pagnanais na manatiling mahinahon at makatuwiran sa kilos.
"Sinisikap nilang sundin ang mga tuntunin sa lahat ng bagay," sabi ni Fujimkai sa Business Insider.
Upang patunayang natural ang buhok ng estudyante, madalas hingin ng mga paaralan sa mga magulang na magsumite ng childhood photo na nagpapakita ng kulay ng buhok. Sa hindi gaanong matinding kaso, kailangan lamang nilang beripikahin nang nakasulat at may pirma na hindi ginamot sa anumang paraan ang buhok ng anak.
Hindi bago ang practice. Kahit isang dekada na ang nakararaan, hiningi ng ilang paaralan sa mga estudyante na patunayang hindi nila kinulayan o kinulot ang buhok nila. Sa matitinding kaso, hinihingi pa ng mga paaralan sa foreign-born student na kulayan ang buhok upang umayon sa ibang student body bilang bahagi ng forced assimilation process.
"Linggo-linggo, tinitingnan ng mga guro kung kinukulayan ni Nicola ng kayumanggi ang buhok niya," sabi ng estudyanteng ipinanganak sa Brazil na si Maria sa Japan Times tungkol sa kapatid niyang si Nicola noong 2007. "Kahit sinabi niyang natural ang kulay nito, inutusan siyang ituwid at kulayan ito ng itim. Ginawa niya iyon minsan bawat linggo. Pero nagdulot sa kanya ng trauma ang pagsubok na iyon. May insecurities pa rin siya sa kanyang hitsura."
Hindi lamang hair dye at perm ang beauty choice na sakop ng Japanese dress-code standard. Maraming lalaking estudyante ang hindi maaaring magkaroon ng spiky o magulong hairstyle, hayaang matakpan ng buhok ang kanilang mga mata, o pahabain ito lampas sa collar. Hinihingi ng ilang paaralan sa mga babaeng estudyante na itali ang buhok ‘sa paraang hindi nakagagambala sa pagtuturo sa classroom,’ gaya ng sinabi sa code ng isang paaralan.
Ayon sa Asahi Shimbun, may papel sa mga tuntunin ang bumababang birth rate ng Japan. Dahil mas kaunti ang estudyante, nakikipagkompetensiya ang public at private school para sa pansin ng magulang. Isang estratehiya ang pag-highlight sa mahigpit na hair policy upang ipakitang seryoso sila sa edukasyon at mapahanga ang magulang sa rigor.
Sinasabi ng ilang kritiko na nilalabag ng requirement na patunayan ng mga estudyanteng natural ang kanilang buhok ang privacy nila.
Samantala, sinasabi ng mga tagapagtaguyod na nakatutulong ito sa mga estudyante, dahil mapipigilan ng isang proseso ng beripikasyon ang paulit-ulit na pagtatanong ng mga headmaster kung tunay ang buhok ng isang bata. Sinasabi nilang ang paghingi ng paunang patunay ay nagliligtas sa mga bata mula sa mas matinding pinsalang sikolohikal.
Iulat sa amin sa Expat Rights ang anuman at lahat ng harassment.
([email protected] o mag-message sa amin dito)
Subaybayan ang ExpatRights sa WeChat

Para sa mas palakaibigang China

Beijing: PAPARATING ANG PAGTUGIS SA MGA DAYUHAN
i-click⏬

