Kapag unang naiisip ng ilan ang Africa, naiisip nila ang continent na salot sa poverty at corruption, o tigang na wasteland na puno ng starving citizen.
Mag-subscribe sa ExpatRights
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Karamihan sa coverage ng western media tungkol sa Africa ay nakatuon sa mga negatibong katangian o problema.
Sa kabila ng makabagong buhay at mauunlad na lungsod na may tubig at kuryente sa Africa, mas pinipiling ilathala ang mga kuwentong naglalarawan sa kontinenteng wasak kaysa mga kuwentong may solusyon o nagbibigay-inspirasyong artikulong positibo ang paglalarawan sa mga mamamayang Africano.
Hindi palaging ginagawa ito upang tumulong o bigyang-pansin ang urgent problem, kundi upang lumikha ng emotional response na humahantong sa generalization o nakaaapekto sa tingin ng publiko sa Africa.
Mabenta ang masamang balita, at naniniwala ang marami na gumagaan ang pakiramdam ng pangkalahatang populasyon, o ng isang taong may depresyon, kapag nalalamang may mas masahol pa ang kalagayan kaysa sa kanila.
Sa paggawa nito, madaling makalimutang hindi homogenous na bansang walang pinipiling dumaranas ng kahirapan at corruption ang Africa.
Sa halip, isa itong buong kontinente na puno ng sari-saring bansa; nakararanas ng problema ang ilan at hindi naman ang iba.
Maraming bansa, gaya ng Nigeria, Botswana, Ghana, at Kenya, ang umuunlad nitong mga nakaraang panahon.
Patuloy na bumababa ang poverty rate ng Africa sa nakalipas na ilang taon.
Sa kabila nito, patuloy na nakatuon ang mga magazine, pahayagan, at ibang sanggunian sa United States sa kahirapan ng Africa at kakaunti lamang ang pag-uulat tungkol sa
paglago ng ekonomiya.
May mahihirap at nahihirapan sa Africa na karapat-dapat tulungan.
Gayunman, gaya ng ibang kontinente o bansa, nararapat ang Africa sa patas at walang-kinikilingang news coverage na nakatuon kapuwa sa mga nangangailangan at sa mga bansa at taong umuunlad at nagtatagumpay.
Source: Sanika sa pamamagitan ng www.developafrica.org
