post

Maipatutupad ba sa China ang Foreign Judgment?

Na-recover na video para sa Dayuhang Hatol—Maipatutupad sa China?

Halos hindi ipinapatupad ng mga hukuman sa China ang hatol ng dayuhang hukuman.

Mag-subscribe sa ExpatRights
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)

Sa kasamaang-palad, walang batas na nagsasabi niyon.

Tingnan natin ang sinasabi ng batas. Ayon sa Civil Procedure Law ng PRC, maaaring kilalanin at ipatupad ng Chinese court ang foreign judgment kung ito ay:

1) tumutugon sa mga probisyon ng internasyonal na kasunduang nilagdaan o sinalihan ng dayuhang estado at China, o

2) naaayon sa prinsipyo ng reciprocity.

Pagkatapos ay maaaring direktang mag-apply ang party concerned o maaaring hilingin ng foreign court sa competent court ang recognition at enforcement.

Sa pag-review ng gayong application o requirement, kung itinuturing ng court na hindi sumasalungat ang judgment sa basic principle ng PRC law at hindi lumalabag sa State sovereignty, security, at public interest, magpapasya itong kilalanin ang effectiveness at i-enforce iyon.

Sa katunayan, batay sa probisyon #1 sa itaas, may kabuuang 34 bansang kapwa kumikilala at nagpapatupad sa hatol ng isa’t isa kasama ang China. Ito ay:

12 bansang Asyano: Mongolia, Turkey, Kazakhstan, Cyprus, Kyrgyzstan, Uzbekistan, Tajikistan, Vietnam, Laos, Korea, United Arab Emirates, Kuwait

13 bansang European: France, Russia, Italy, Spain, Poland, Romania, Belarus, Ukraine, Bulgaria, Greece, Hungary, Lithuania, Bosnia and Herzegovina:

4 na bansa sa Americas: Brazil, Argentina, Cuba, Peru

5 bansang Aprikano: Egypt, Morocco, Tunisia, Algeria, Ethiopia

Hindi mahirap makita na kakaunting developed country o pangunahing trading partner ng China ang nasa listahan, gaya ng USA, Britain, Germany, at iba pa. Kaya ang recognition at enforcement ng judgment mula sa mga bansang ito ay maaaring nakadepende lamang sa reciprocal relationship nila sa China.

Gayunman, hindi malinaw na tinutukoy ng PRC law ang criteria sa pagpapasiya kung umiiral ang reciprocal relationship.

Karaniwan, matutukoy lamang ng China court na may reciprocal relationship kung kinumpirma ng PRC court na may precedent ng mga court sa foreign country na kumikilala at nagpapatupad ng China court judgment.

Sa katunayan, napakabihirang kilalanin ng PRC court ang foreign court judgment kapag walang international treaty, at hindi nito kinukumpirma ang reciprocity upang ipatupad ang gayong judgment kung walang naunang recognition at enforcement ng foreign court sa PRC court judgment.

Source: Sophie Mao mula CHinaLawHelp.com

ExpatRights.org
Mag-subscribe sa ExpatRights