Kasunod ng ilang ulat tungkol sa mga expat na lumabag sa batas, naging mainit na paksa kung paano dapat tratuhin ng China ang mga dayuhan.
Kailangang maging karapat-dapat ang mga Dayuhan sa China sa Anumang Matatanggap Nila
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Iniulat na nagtalaga ang Shandong University na nakabase sa Ji'nan sa East China ng tatlong ‘buddy’ para sa bawat international student. Dahil maraming ‘buddy’ ang babae samantalang lalaki ang karamihan sa kanilang foreign partner, hindi napigilan ng ilang internet user na magkomentong ‘kumukuha ng girlfriend para sa mga lalaking dayuhang estudyante’ ang unibersidad.
Noong Hulyo 9 sa Fuzhou, Fujian Province sa East China, nahuli ang isang internasyonal na estudyanteng may angkas sa electric scooter at marahas na lumaban nang lapitan ng traffic police. Ngunit walang ipinataw na parusa sa estudyante.
At noong Hulyo 10, tinuligsa ang mga tauhan ng Nanjing Metro sa kabisera ng Jiangsu dahil sa piling pagpapatupad ng batas. Kapwa nahuling kumakain sa loob ng tren ang mga pasaherong Chinese at dayuhan, na labag sa mga tuntunin, ngunit iniulat na ang pasaherong Chinese lamang ang binigyan ng babala.
Habang lumalakas ang pambansang pagkakakilanlan at pagmamalaki ng mga Chinese, pinag-ugnay ang mga pangyayaring ito na naganap sa iba't ibang lugar at panahon, at bumuo ng buhawi ng hinanakit. Maraming Chinese ang nagrereklamong binigyan ang mga dayuhan sa China ng "higit-sa-pambansang pagtrato" at maging ng mga pribilehiyong labas sa batas.
Dahil sa mga dahilang pangkasaysayan at umuunlad na estrukturang sosyo-ekonomiko, mataas ang tingin ng mga Chinese sa mga dayuhang bansa at sineseryoso ang lahat ng may kinalaman sa mga dayuhan. Iilan lamang ang dayuhang makikita sa dating di-maunlad na bansang ito ilang dekada ang nakalipas, kaya sabik ang mapagpatuloy na bansang Chinese na magpakita ng kagandahang-loob sa bawat bisita. Kaya matagal nang itinuturing na karaniwan sa China ang pagbibigay ng espesyal na pagtrato sa mga dayuhan.
Tingnan ang saloobin ng ilang Chinese service provider sa mga dayuhan. Naiulat noong Disyembre 2018 na hindi makakuha ng refund ang isang Chinese customer mula sa Beijing-based bike-sharing company; gayunman, nang magpadala ang customer ng email na nagpapanggap na dayuhan, halos agad natugunan ang demand.
Kung babalik sa mga internasyonal na estudyante, hindi nag-iisang kaso ang "buddy program" ng Shandong University. Karaniwan sa mga Chinese college ang magbigay ng espesyal na dormitory at dining hall sa mga dayuhang estudyante, na laging itinuturing na mas mahusay kaysa sa ibinibigay sa mga estudyante mula sa bansa.
Ngunit nagbago na ang panahon. Dahil mas maraming dayuhang naninirahan sa China, maaaring humantong sa hinanakit at panlipunang pagkabalisa ang labis na pagpapakumbaba ng ilang tao sa mga dayuhan.
Mga halimbawa ang kaso sa Fuzhou at Nanjing. Bukod dito, upang tugunan ang sigasig ng maraming Chinese parent sa native speaker sa English education market, kumukuha ang ilang Chinese school at institution ng foreign teacher nang walang background check at binabalewala ang experience at educational qualification. Malamang pasaporte ang mahalaga. Lumikha ito ng hindi kanais-nais na milieu at nagbigay sa ilang dayuhan ng pagkakataong samantalahin ang loophole.
Maaaring napagsabihan sa sarili nilang lipunan ang ilang dayuhang tumatanggap ng espesyal na pagtrato sa China dahil sa hindi kanais-nais na kilos. Kilala ring nakapagturo ng English sa China ang mga outlaw.
Ayon sa BBC noong 2014, ilang taon nang nagtatrabaho bilang guro sa Beijing si Neil Robinson, isang Briton na nakulong nang 12 taon dahil sa mga makasaysayang sexual offence. Natagpuan ding nagtuturo ng English sa isang Chinese college si Daniel William Hiers, isang American na takas na kinasuhan ng sexual assault at murder.
Ang ganitong ‘pribilehiyo’ ay makapipinsala lamang sa sariling mamamayan at international image ng China. Gayunman, hindi dapat humantong sa hostility ang indignation. Itinuturing ng karamihan ng dayuhang kaibigan ang mga pribilehiyo bilang paraan ng Chinese na magsabi ng ‘salamat’ sa kanilang contribution sa bansa. Hindi tayo dapat xenophobic o xenocentric. Bilang lumalagong kapangyarihang naglalayong higit pang magbukas, leksiyong dapat matutuhan ang patas at pantay na pagtrato sa mga dayuhan.
