Bago pa ibaba ng Beijing ang risk status nito sa katapusan ng Abril, nagsisimula nang magbukas ang maraming community at madaling nagpapapasok ng mga delivery at service provider. Habang patuloy na lumuluwag ang mga restriction at pinahihintulutan na maging ang mga social visit sa ilang community, nagsisimulang magtanong ang ilang international student kung kailan gagawin din iyon ng kanilang campus.
At may mabuti silang dahilan upang magtanong, sapagkat halos naipit na sila sa campus mula pa noong Enero.
Sa paligid ng Beijing, isinara ng mga unibersidad ang kanilang mga gate habang lumalaganap ang pandemya at umuwi para sa Chinese New Year ang karamihan sa mga lokal na estudyante, na ipinagpatuloy ang pag-aaral online.
Ngunit hindi ganoon kadali ang pag-uwi para sa mga internasyonal na estudyanteng hindi makabili ng plane ticket pauwi, walang pera para rito, o hindi alam kung kailan sila makababalik upang tapusin ang pag-aaral.
Nakipag-usap ang TheBeijinger sa ilang gayong international student na nagsabing hindi sila binigyan kailanman ng entry-exit pass, kaya sa sandaling lumabas sila ng campus ay hindi na sila makabalik sa dorm.
Sinabi ng isang estudyante sa Beijing Film Academy na maaaring magbigay ang campus niya ng two-hour pass upang makalabas ang mga estudyante sa ‘kinakailangang’ pagkakataon, gaya ng pagpunta sa bangko, bagaman naglabas ng mas mahabang pass na balido nang ilang oras noong May Day holiday.
"Hindi malinaw kung paano at kailan magbabago ang sitwasyon," sabi ng estudyante. "Parang nagbabago lang ito araw-araw."
"Pinili kong manatili dahil nagtitiwala ako sa pamahalaang Tsino," sabi sa amin ng isa pang estudyante.
Isa siya sa ilang dosenang international student na piniling manatili sa Beijing Normal University, kung saan nag-aaral siya ng environmental science.
Maaaring magkita-kita sa campus ang mga estudyante roon ngunit hindi sila pinapayagang bumisita sa dorm ng isa't isa.
Tumawag din ang TheBeijinger sa ilang university administrative department, ngunit hindi nila masabi kung saan nagmula ang order na panatilihing sarado ang mga campus o kung gaano ito katagal magkakabisa.
Gayunman, sinabi sa TheBeijinger na maagang mag-iisyu ng announcement sa muling pagbubukas upang mabigyan ng oras ang mga bumabalik na estudyante na gumawa ng travel plan.
Habang bumabalik sa normal ang malalaking bahagi ng Beijing, lalong luminaw na binibigo ang mga estudyanteng ito ng mismong mga institusyong inasahan nilang tutulong sa kanilang umunlad.
Source: Joey Knotts sa pamamagitan ng theBeijinger
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
ExpatRights.org
