Kumalat nang napakabilis sa Chinese internet nitong mga nakaraang buwan ang mga kuwento ng English tutoring center na naglalaho at iniiwang nawalan ng libo-libong yuan ang mga kliyente.
Mag-subscribe sa ExpatRights
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Tumangging ibunyag ng mga officer sa Shanghai ang partikular na bilang ng gayong kasong hinahawakan ng kanilang department ngunit sinabing ito ay ‘bagong umuusbong na phenomenon ngayong taon.’
Marami ang nagulat sa sunod-sunod na pagsasara. Dating umuunlad ang market sa English-language education habang dumaraming ambisyosong magulang ang gustong bigyan ng magandang simula ang mga anak sa pag-enroll sa private class mula tatlong taong gulang. Tinatayang aabot sa 220 bilyong yuan pagsapit ng 2020 ang English training market ng China, mula 104 bilyon noong 2015, ayon sa Beijing-based research firm na Bosi Data Research Center. Ngunit nalugmok sa crisis ang mga paaralan ngayong taon dahil sa tumitinding competition at crackdown ng pamahalaan sa ilegal na practice sa industriya.
Noong Oktubre, nayanig ang industriya sa pagkabangkarote ng Web International English, isa sa mga pinakakilalang English training firm sa bansa na may network ng 154 paaralan sa 62 lungsod. Nagdulot ang anunsiyo ng krisis sa tiwala ng mga magulang at investor, na di-nagtagal ay humila rin sa ibang kumpanya sa problemang pinansiyal.
Sa loob ng ilang linggo, napilitang isara ng Happy Goal Kids Education, dating subsidiary ng Web International, ang lahat ng outlet. Binanggit ng firm ang collapse ng Web International bilang malaking factor: nag-atubiling mag-prepay para sa class ang prospective learner dahil sa takot na magsara ang kumpanya, samantalang nag-apply para sa refund sa prepayment nila ang current student, sabi ng kumpanya sa statement.
Marami pang ibang kumpanya ang dumanas ng katulad na kapalaran. Bagaman walang komprehensibong datos sa bilang ng mga nagsarang training school, natukoy ng Chinese venture-capital industry news service na PEdaily.cn ang mahigit 20 pagkakataon noong 2019 na nagsara ang extracurricular training company dahil sa problemang pinansiyal.
Samantala, naglunsad ang pamahalaan ng China ng campaign noong Agosto 2018 upang linisin ang irregular practice sa English training industry, na nagpwersa sa mas maraming kumpanya na pansamantala o permanenteng magsara. Ayon sa minister of education ng China na si Chen Baosheng, naimbestigahan ng mga opisyal ang mahigit 401,000 training organization pagsapit ng Marso ngayong taon at nakakita ng ilegal na practice sa 273,000 sa mga ito.
Karaniwan ngunit kahina-hinalang gawi sa education market ng China ang pagpaparenta ng lisensiya, ayon sa mga industry insider. Bagaman hindi teknikal na ilegal, itinuturing itong mapanganib sa kasalukuyang kalagayan.
