post

WFOE Formation sa China — Pinasimple Na

Na-recover na video para sa Pagbuo ng WFOE sa China—Pinasimple na Ngayon

Mas simple, madali, at mabilis na ngayon ang Wholly Foreign Owned Entity—WFOE formation sa China. Nagbago ang mga sumusunod na aspect.

Mag-subscribe sa ExpatRights
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)

1 ) Wala nang minimum na rekisito sa registered capital.

Sa katunayan, wala nang minimum registered capital requirement sa company formation mula 2014, ayon sa bagong Company Law ng PRC.

Para sa mga kompanyang pinuhunanan ng Chinese, wala nang kinakailangang minimum registered capital. Gayunman, sa realidad ay humihingi pa rin ang lokal na awtoridad ng minimum registered capital para sa pagbuo ng WFOE. Hindi talaga ito kakaiba sa China, sapagkat mas gusto ng mga lokal na awtoridad na maghintay ng mas detalyadong tagubilin tuwing nagkakabisa ang bagong batas.

Gayunman, noong 2018 ay natuklasan naming hindi kailangan ang minimum registered capital kahit sa WFOE formation. Wala na ring deadline sa capital injection; maaaring kasinghaba ng duration ng WFOE ang period para rito.

2)Wala nang pre-approval para sa pangkalahatang WFOE

Isa pang sakit ng ulo para sa mga mamumuhunan mula sa ibang bansa ang paghiling ng paunang pag-apruba sa lokal na administrasyon ng komersiyo bago mag-aplay sa lokal na AIC para itatag ang WFOE. Upang makuha ito, kailangang magsumite ang mga mamumuhunan ng articles of association, feasibility report, at iba pa. Kung minsan, maaaring abutin nang tatlong buwan o higit pa ang pagkuha ng paunang pag-apruba.

Gayunman, mula Hunyo 30, 2018, hindi na kailangan ang pre-approval hangga't hindi nakalista ang negosyong sangkot sa Notes on Special Management Measures for the Market Entry of Foreign Investment—tinatawag ding ‘Negative List.’

Matapos i-isyu ng lokal na AIC ang business license, maaaring gawin online ng overseas investor ang record-filing procedure sa pagsusumite ng impormasyon sa "Comprehensive Management System" ng Ministry of Commerce. Karaniwang iniisyu ang record-filing acknowledgement sa loob ng tatlong business day.

Ayon sa Negative List, bukas sa foreign investor ang karamihan ng negosyong pinapatakbo ng overseas SME at pamamahalaan ayon sa prinsipyo ng "pantay na pagtrato sa domestic at foreign investment."

Bukod dito, pinasimple rin ang ibang mga proseso, gaya ng pagpaparehistro sa State Administration of Foreign Exchange (SAFE), na maaaring tapusin habang nagbubukas ng bank account. Sa ilang lungsod, hindi na kailangan ang personal na pagharap ng legal representative upang magbukas ng bank account, basta ipinakikita ang orihinal niyang passport.

Siyempre, bagaman pinasimple ang pangkalahatang pamamaraan, magkakaiba ang partikular na rekisito sa bawat lungsod. Maaari mo kaming kontakin para sa tiyak na impormasyon bago gumawa ng anumang plano.

Source: Sophie Mao mula CHinaLawHelp.com

ExpatRights.org
Mag-subscribe sa ExpatRights