3 DAYUHANG PROSTITUTE ang Inaresto ng Guangdong Police
Inanunsiyo ng Guangdong Provincial Public Security Department sa press conference noong Nobyembre 6 na isinara ng Guangdong police ang mahigit 3,030 kasong may kaugnayan sa prostitution at dinetine ang mahigit 7,770 suspect, kabilang ang tatlong dayuhang prostitute.
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Sinabi ng tagapagsalita ng Guangdong police na binuwag ng pulisya sa Foshan ang cross-border prostitution ring noong Hulyo ngayong taon. Mahigit 180 suspect ang inaresto sa operasyon.
Ayon sa Foshan police, nangangalap ng customer ang prostitution ring sa social media gaya ng WeChat group chat.
Bukod dito, binuwag din ng pulisya sa Yangjiang noong Agosto ngayong taon ang isang prostitution ring, dinetine ang 110 suspect, at nasamsam ang 5 milyong RMB. Ibinunyag ng Yangjiang police na nag-alok ang mga suspect ng sex service sa pamamagitan ng isang technology company.
Bukod dito, nalutas ng pulisya ng Guangdong ang mahigit 5,660 kaso ng pagsusugal at 4,550 kaso tungkol sa pagkain, droga, at pangangalaga sa kapaligiran mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Ayon sa mga kaugnay na batas at regulasyon sa China, haharap sa mga sumusunod na parusa ang sangkot sa prostitusyon:
1) Ang prostitute o taong nakikipag-ugnayan sa prostitute ay ikukulong nang hindi bababa sa 10 araw ngunit hindi hihigit sa 15 araw at maaari ring pagmultahin ng hanggang ¥5,000; kung medyo magaan ang kalagayan, ikukulong siya nang hindi hihigit sa 5 araw o pagmumultahin nang hindi hihigit sa ¥500.
2) Ang taong nag-aalok ng prostitusyon sa pampublikong lugar ay ikukulong nang hindi hihigit sa limang araw o pagmumultahin nang hindi hihigit sa ¥500.
3) Ang taong nang-aakit, kumukupkop, o nagpapakilala sa iba upang pumasok sa prostitusyon ay ikukulong nang hindi bababa sa 10 araw ngunit hindi hihigit sa 15 araw at maaaring pagmultahin ng hanggang ¥5,000; kung medyo magaan ang kalagayan, ikukulong nang hindi hihigit sa limang araw o pagmumultahin nang hindi hihigit sa ¥500.
ExpatRights.org
Source: Wang Yifan mula GDToday
