post

INARESTO dahil sa Pagbabahagi ng Video sa WeChat

Na-recover na video para sa INARESTO dahil sa Pagbabahagi ng Video sa WeChat

Kamakailan ay lumabas ang balitang nagbahagi ang isang WeChat user ng napakagraphic na video sa group chat matapos makita ito sa iba. Ngunit hindi niya alam na magdudulot sa kaniya ng malubhang problema ang pagbabahagi ng ganitong content.

WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)

Kamakailan, sa Nanning, Guangxi, nahuli ang tatlong netizen dahil...
Nakita ng isang lalaking apelyidong Mr Deng mula Nanning, Guangxi Province, ang video ng lalaking binabaril sa ulo nang malapitan, na ipinasa sa ibang WeChat group ng dalawa pang user na sina Mr Lei at Mr Shi.

Itinuring ng anti-terrorist reconnaissance detachment ng Nanning Public Security Bureau na may marahas at nakatatakot na larawan ang content ng video, na maaaring makapinsala sa psychological at behavioral well-being ng mga WeChat user.

Dahil dito, inaprubahan ng Nanning Qingxiu District Procuratorate ang pag-aresto sa tatlong lalaking iyon.

Bagaman ipinahihiwatig ng kaso na oblivious content sharing lamang ang particular behavior na ito, sinasalamin nito ang mas malaking issue ng mga netizen na nagse-surf sa web at nagpo-promote sa user ng unlawful behavior.

Tungkol dito, ipinaalala ng prosecutor sa napakaraming internet user na hindi nasa labas ng batas ang cyberspace at sa harap ng violence, blood, at fake rumor, hindi natin dapat i-post o ipakalat ang mga iyon sa mas malawak na audience.

Kung makakita ka ng gayong content, mariing ipinapayong i-report ito agad sa kaugnay na public security bureau at makipagtulungan sa network supervision department upang imbestigahan ang source, mapigilan hangga't maaari ang pagkalat nito, at iba pang masamang consequence.

Ayon sa Article 120 ng Criminal Law of the People’s Republic of China, maaaring hatulan ang kriminal ng fixed at long-term imprisonment na hanggang 5 taon kung gumagawa at nagbabahagi ng terrorist o extremist content mula sa libro, artikulo, audio/video material, o lecture. Bukod sa criminal detention, maaaring ipataw ang public surveillance, deprivation of political rights, at malaking multa.

Kung may nagmamay-ari ng gayong aklat o content na nag-aanunsiyo ng terrorism o extremism, maaari siyang hatulan ng hanggang tatlong taong pagkakulong, na may parehong alternatibong consequence na nakalista sa itaas.

Hindi lahat ay maaaring ibahagi sa mga WeChat group.

Maging maingat!

WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
ExpatRights.org