Ang hamon sa China ay hindi lamang tukuyin ang mga ilegal na dayuhang lumalabag sa exit at entry regulation, arestuhin, pagmultahin, ikulong, at i-deport sila na salungat sa pangangailangan at demand ng education system, kundi unang tukuyin ang ilang reciprocal change sa visa na magpapadali sa pagpasok ng higit pang foreign talent sa China.
Halimbawa, ang mga dayuhang nag-aapply para sa grade 2 visa sa UK, na katumbas ng Chinese Z visa, ay pinahihintulutang kumuha ng part-time job sa parehong level ng pangunahing trabaho nila.
Agad na malulutas ng payak na pagbabago sa Z visa ang tatlong usapin: makaaakit ito ng mas maraming foreign talent sa China na makadaragdag sa kita sa part-time work; maitataas ang pamantayan sa tuition center kung saan makapagtatrabaho ang kuwalipikado at may karanasang guro; at mababawasan ang ilegal na dayuhang nagtatrabaho sa tuition center.
May makatwirang dokumentasyon na inaasahan ng exit-entry police na pamilyar ang mga dayuhan sa lahat ng rule at regulation anuman ang payong natanggap nila nang tapat mula sa Chinese third party. Ngunit kailangan ding alam ng Chinese HR manager ang batas at hindi akitin ang dayuhan sa ilegal na practice.
Sa ngayon, mas malaki ang pakinabang ng pagkuha ng mga ilegal na dayuhang guro kaysa sa parusang ipinapataw sa mga paaralan o tuition center na patuloy na nagnenegosyo at madalas patuloy na kumukuha ng mga ilegal na guro. Samantala, higit na mabigat at hindi proporsiyonal sa paglabag ang mga parusang ipinapataw sa ilegal na dayuhang guro: pagkawala ng trabaho, bahay, relasyon, multa, detensiyon, deportasyon, at pagkaunawang kailangang buuin muli ang buhay sa ibang lugar nang walang karapatang umapela.
Kailangan sa China ang mahuhusay na dayuhang guro, at hindi mawawala agad ang katotohanang iyon. Habang dumarami at lumalaganap sa Chinese social media ang mga negatibong kuwento, nagiging hindi gaanong kaakit-akit ang China sa kwalipikado at bihasang dayuhang guro. Bilang mga guro, educator, school administrator, magulang, at estudyante, dapat tayong magtulungan upang mapabuti ang quality standard sa mga Chinese school at hindi hadlangan ang pagpunta ng mga dayuhang guro sa China. Hindi makakamit ang Chinese Dream kung walang de-kalidad na education system.
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
ExpatRights.org
