Sa China, Kailangan Mong Pumasa sa Exam para Makipagdiborsiyo!
Nagpasya ang isang hukom sa China na kailangang kumuha muna ng "divorce examination" ang magdidiborsiyo.
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Gagawin batay sa mga sagot nila ang desisyon kung maaari silang pumunta sa court para sa divorce.
Mula ngayong buwan, kailangang kumuha at pumasa sa test ang mga mag-asawang humihingi ng divorce bago sila bigyan ng divorce paper na dadalhin sa hukuman.
Kabilang sa mga tanong ang sumusunod:
1. "Gaano na kayo katagal na magkasintahan? Kailan ang anibersaryo ng kasal ninyo? Paano ninyo hinahati ang gawaing-bahay?"
2. "Noong magkasintahan kayo, anong sinabi o ginawa ng partner mo ang pinakanakaantig sa iyo?"
3. "Kapag magkaiba ang pananaw ninyo, sino ang unang pumuputol sa hindi pagkakasundo at paano ito ginagawa?"
4. "Sa mga tungkuling inako mo sa pamilya, alin ang nagawa mo nang maayos at alin ang hindi? Paano mo balak na bumuti?"
Sinabi sa amin ng hukom na nagbibigay ang mga sagot sa exam paper ng paunang larawan ng pagsasama ng mag-asawa.
Ang mga walang maraming conflict at hindi sira ang relationship ay hihilingang pumunta sa mediation.
Gayunman, pahihintulutang magpatuloy sa trial ang mga may malalim na problemang mahirap lutasin.
Nakakatipid ito ng oras at resource ng hukuman, sabi niya.
Hindi ito unang ipinatupad sa China. Naging international headline ang katulad na divorce examination na itinatag ng hukuman sa Yibin City, Sichuan Province ng China.
Nagtanong ang tatlong-bahaging examination ng iba't ibang tanong, kabilang ang date ng birthday at anniversary, kung anong snack ang gustong kainin ng mga anak ng couple, at kung nag-family holiday sila nang magkasama.
Ayon sa mga ulat noon, kailangang mas mababa sa 60% ang score ng mag-asawa upang payagang magdiborsiyo.
Sa pagtatapos ng panahong ito, maaaring maghain ang mag-asawa ng diborsiyo gaya ng plano o humiling na pahabain ang panahon ng pag-iisip.
Iniulat na mabilis na tumaas ang divorce rate sa China nitong mga nakaraang taon.
May dalawang magkaibang opinion sa mga netizen tungkol sa exam na ito:
Sinabi ng ilang online user: ‘Baliw iyan! Dapat nakabatay sa kagustuhan ng mag-asawa kung magdi-divorce sila o hindi. Paano hahatol ang isang tao gamit lamang ang test? Ang pinakamabuti ay kumuha ng exam bago magpakasal o manganak.’
Nagkomento ang iba: ‘Mahusay na paraan ito upang ipaalala sa kanila ang pinakamagandang alaala nila. Marahil matapos ang pagsusulit, susuko sila sa ideya ng divorce.’
