16 na dayuhan sa English First ang dinetain dahil sa drug charge
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Naghahanda na ang mga English language school sa China para sa mga inspeksiyon matapos malutas ng pulisya sa Xuzhou, Jiangsu ang isang narcotics case na humantong sa pagkakadetine ng ilang dayuhang guro at estudyante.
Ayon sa pahayag ng local authority noong Martes, 19 tao ang nagpositibo sa paggamit ng droga, kabilang ang 16 dayuhan. Pito ay empleyado ng EF English First branch sa Xuzhou at siyam ang EF student.
Bagaman inilagay sa administrative detention nang maximum na 15 araw ang 18 sa mga inaresto, inilagay sa criminal detention ang natitirang individual, na maaaring magpahiwatig na darating ang formal charge.
Hindi malinaw kung anong uri ng droga ang sangkot sa kasong ito.
Sa Weibo, naglabas ang EF ng paghingi ng tawad at nangakong magsasagawa ng sarili nitong internal investigation at tatanggalin ang sinumang gurong mapatunayang gumagamit ng droga. Nangako rin itong titiyaking sumusunod ang mga dayuhang kawani nito sa mga batas at regulasyon ng China.
Ang English First ay subsidiary ng EF Education First, ang pinakamalaking pribadong organisasyong pang-edukasyon sa mundo. Unang pumasok ang EF sa China noong 1996 at pangunahing nakatuon sa mga English language training course. Mayroon na itong mga sangay sa mahigit 50 lungsod sa buong bansa.
