Estudyanteng Pakistani, ikinulong dahil sa pangmomolestiya sa babaeng estudyante
Naglabas ng abiso ang Hanshan Branch ng Handan Public Security Bureau sa Hebei Province noong Agosto 1 na isang dayuhang estudyante ang dinetine dahil sa pangmomolestiya sa babaeng estudyante.
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Iniulat ng campus self-media ng Hebei University of Engineering na bandang 18:00 noong Hulyo 31, nakatanggap ito ng submission mula sa follower na nagsabing hinarass siya ng Pakistani student sa pamamagitan ng tongue kiss at paghawak sa dibdib. Bandang 20:00, pumunta ang babaeng estudyante sa Kaiyuan police station upang mag-report.
Sinabi ng biktima na habang nire-review niya ang postgraduate entrance exam sa corridor, lumapit ang isang lalaking Pakistani student upang magtanong at saka nag-alok na mag-picture silang dalawa. Hinarass siya ng dayuhang student habang kumukuha ng litrato.
Pagkatanggap ng report, agad nag-imbestiga ang police station. Sa tulong ng foreign affairs department ng unibersidad at translator, tinanong ng pulis si Tao Wen (alias), ang dayuhang estudyante, at sinuri ang surveillance video. Napag-alamang bandang 17:30 noong Hulyo 31, sinamantala ni Tao Wen ang pagkakataong magpalitrato sa biktima sa corridor at gumawa ng indecent act.
Ayon sa Article 44 ng Law of the People’s Republic of China on Public Security Penalties, dinetain ng pulisya si Tao Wen nang sampung araw at ide-deport matapos ang detention.
