Inaresto ng Pulisya ang Dayuhang Estudyante Dahil sa Upuan sa Train!?
Noong Hulyo 23, naging viral sa Chinese media ang video kung saan nahuli ng Chinese police sa tren ang isang dayuhang estudyante...
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Ayon sa video, umaga ng Hulyo 21 sa K377 train mula Shanghai papuntang Xining, hinila mula sa upuan at dinala ng Chinese police officer ang dayuhang estudyante mula Ghana.
Bago iyon, nakatayo sa tabi ng estudyante ang isa sa mga pulis at ipinakita sa kanya ang ticket ng tunay na may-ari ng upuan.
Ayon sa balita, ilang beses binalaan ng officer ang estudyante bago siya hinila mula sa upuan at pinosasan sa tulong ng isa pang officer.
Ayon sa pulis ng Central Command Center ng Qinghai-Tibet Railway Public Security Bureau, inagaw ng lalaki ang mga upuan ng ibang pasahero at tumangging ibalik ang mga ito.
"Talagang tumanggi siyang makipagtulungan. No. 28 ang sarili niyang upuan, pero inangkin niya ang dalawang upuang No. 38 at No. 39. Hiningi ng kawani ng tren ang tiket niya pero hindi niya pinansin. Pinapabalik sa kanya ang mga upuan, ngunit hindi rin siya tumugon, kaya tinawag nila kami para tumulong. Pagkatapos ay pumunta kami sa lugar," sabi ng opisyal.
Gayunman, ayon sa isang insider, kinuha ng iba ang orihinal niyang upuan at pangunahing sanhi ng usapin ang hadlang sa wika sa pagitan ng dayuhang estudyante at pulisya. Binanggit din ng insider na hindi man lamang sumagot ang estudyante sa pulisya nang tanungin tungkol sa kaniyang ticket.
Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ang kaso.
