Hindi Makapagpadala ng Pera Pauwi ang mga Expat sa China!
Upang matiyak ang absolute control sa currency nito, naglagay ang China ng mahigpit na regulation sa kung paano inililipat ang currency papasok at palabas ng bansa. Ipinagbabawal ng Chinese law sa sinuman na magpadala ng mahigit USD $50,000 sa anumang taon nang walang permission ng pamahalaan.
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
Maraming kumpanya ang napipilitang humanap ng mga butas sa sistemang pinansiyal upang makapagpadala ng pera palabas ng China.
Ginagawa ito ng ilang kumpanya sa pamamagitan ng broker.
Responsable ang broker sa paghahanap ng paraan upang maglipat ng malaking halaga ng pera palabas ng China para sa negosyong nangangailangan ng serbisyong ito.
Ayon sa China Law Blog, karaniwang mga bangko ang nagmumungkahi sa mga broker na ito.
Bagaman ilegal ang gawaing ito, karaniwang itinuturing na ligtas ang referral ng isang bangko para sa ganitong kumpanya.
Inililipat ng “Kumpanya A” ang malaking halaga ng pera bilang transaksiyon sa “Kumpanya B.” Dahil may internasyonal na account ang “Kumpanya B,” inililipat nito ang kaparehong halaga sa account na ibinigay ng “Kumpanya A.” ‘Inaayos’ ng “Kumpanya B” ang mga transaksiyon sa mga libro para sa audit at masaya ang “Kumpanya A.”
Gumagamit ang ibang expat ng bersiyon ng sumusunod na sitwasyon: May USD $150,000 si ‘Expat Mary’ na kailangan niyang ipadala sa sariling bansa. Dahil USD $50,000 lamang ang maipapadala niya palabas ng China, hinahati niya ang $150,000 sa tatlong bahaging tig-$50,000 at nagpapatulong sa mga kaibigan niyang sina ‘Chinese Paul’ at ‘Chinese Peter’ sa transaksiyon.
Dahil sa mahigpit na policy ng China sa currency flow, napipilitang humanap ng mapanlikhang paraan ang mga expatriate upang mailabas ang pera sa China.
Kung nagtatrabaho o may negosyo sa China ang expat, dapat malaya siyang magpadala ng nais na halaga ng perang nakuha mula sa legal na source.
