🚨 HUWAG MAGING SUSBONG 🚨
Noong Mayo 9, naglabas ng paunawa ang Shenzhen entry and exit na naghihigpit sila laban sa ‘sānfēi foreigners’!
WeChat Official Account: ExpatRights (微信公众号)
ExpatRights.org
Ano ang Sānfēi Foreigner?
Tumutukoy ang termino sa mga dayuhang nasa isa sa tatlong ilegal na category: pagpasok, pagtatrabaho, o paninirahan sa China nang walang valid paperwork.
Upang mapanatili ang entry-exit administration ng Shenzhen at public security order ng foreign-related society, hinihikayat ang publiko na aktibong lumahok at i-report ang mga dayuhang sānfēi.
Maaaring magsumbong sa organo ng pampublikong seguridad ang isang impormante sa Shenzhen na makatuklas na ginawa ng isang dayuhan ang alinman sa mga sumusunod na ilegal o kriminal na gawain.
Ang bawat dayuhan ay ilalagay sa administratibong detensiyon at bibigyan ng gantimpalang 500 RMB ang impormante.
Sa bawat administratibong multa sa isang dayuhan, bibigyan ng gantimpalang 300 RMB ang impormante.
Anong punishment ang ipapataw sa mga illegal foreigner at tumutulong sa illegal employment?
Alinsunod sa Articles 41 at 80 ng Exit and Entry Administration Law of the People's Republic of China, kailangang kumuha ang mga dayuhang nagtatrabaho sa China ng work permit at residence permit para sa trabaho alinsunod sa kaugnay na regulation.
Hindi maaaring mag-empleyo ang mga employer ng mga dayuhang walang wastong work o residence permit.
Ang mga employer na ilegal na kumukuha ng mga dayuhan ay pagmumultahin ng 10,000 RMB alinsunod sa Law of the People's Republic of China on Entry and Exit Administration.
Ang mga employer na kumukupkop sa mga ilegal na dayuhan ay pagmumultahin ng 5,000–20,000 RMB at ikukulong nang 5–15 araw. Kumpiskado rin ang anumang kitang natanggap mula sa ilegal na dayuhang empleyado.
Ang agency na nagpapakilala sa dayuhan sa ilegal na employment ay pagmumultahin ng 5,000 RMB sa bawat referral.
Ang dayuhang pumasok sa China at lumampas sa balidong panahon ng pananatili sa visa o residence permit ay ituturing na ilegal sa China at pagmumultahin ng hanggang 10,000 RMB o ikukulong nang 5-15 araw.
Ayon sa Article 318 ng Criminal Law of the People’s Republic of China, kung pinaghihinalaang nag-oorganisa ang kumpanya ng ilegal na pagtawid sa national border, ang person in charge at direktang responsable ay hahatulan ng fixed-term imprisonment na hindi bababa sa 2 ngunit hindi hihigit sa 7 taon at pagmumultahin din.
Kung malubha ang mga pangyayari, hahatulan ang tao ng fixed-term imprisonment na hindi bababa sa pitong taon o life imprisonment.
Paano Mag-report ng mga Ilegal na Dayuhan:
Ligtas gamitin ang lahat ng paraang ito, na inilaan ng Kawanihan ng Pampublikong Seguridad ng Shenzhen para makapagsumbong ang mga mamamayan.
1. Telepono:
Numero ng Telepono: 0755-22222110
2. Online:
Website: www.szga.gov.cn
WeChat public account: ‘深圳公安’ (Shenzhen public security)
Email: [email protected]
3. Liham:
Address: 深圳市罗湖区解放路4018号深圳市公安局违法犯罪有奖举报中心
postcode: 518008
4. On-site:
Shenzhen Public Security Bureau sa mga Public Security Organ ng Lungsod sa lahat ng level, kabilang ang police station at espesyal na reporting center
Pinananatiling ligtas ng Shenzhen Public Security Bureau ang mga informant sa pamamagitan ng mahigpit na confidentiality system.
