Sira ang Huawei phone ko at dinala ko ito sa lokal na hindi lisensiyadong repair shop. (napakasayang na oras niyon)
Matapos iwan ang phone ko roon nang ilang araw, naglakad akong pabalik upang tingnan ang lagay.
Nang dumating ako sa store ay wala roon ang phone-repair lady.. kaya tinanong ko ang ibang babae sa store at sinabi niyang tatawagan niya ito. Tumawag siya...
*tunog ng phone*
*tunog ng phone*
Sumagot ang babaeng nagkukumpuni ng phone.
"NARITO AKO KASAMA ANG ISANG ... UHH.. ISANG ... UHH... LALAKI... AT SIYA .. UHH.. NAALALA MO SIYA??? Siya iyong uhh.. matangkad... guwapo... may anak na babae... atbp. atbp."
KAHIT MINSAN AY HINDI SINABI NG KAAYA-AYANG BABAE ANG ‘LAO WAI’ O ‘WAI GUO REN’ O ‘BAI REN.’
Kaya pormal siyang idinedeklara ng #ExpatRights bilang ‘pinakahindi racist na tao sa China’!
Hindi na Legal na Maaaring DUKUTIN ng Japan ang mga Bata
RACIST ba kapag nagsasabi ang mga Chinese ng ‘HELLO’?
Unang inilathala sa opisyal na WeChat account: ExpatRights
